well, im back again. masyado akong sinisipag mag-blog. kasi naman first time ko 'to tsaka wala magawa sa bahay kundi mag-computer kaya ito. pero sigurado, pag pasukan na uli, magiging madalang na ang pagbablog ko. ngayong pang meron na 'kong math 17(sana masurvive ko yun!)!
ano bang nangyari ngayong araw na 'to? gumising ako ng maaga, mga 9:30am(yup, maaga na yun para sa 'kin ha!) dahil may appointment ako sa dentist ng 11am. pagdating ko naman sa clinic ng dentist ko na tita ko rin, eh marami siyang pasyente. dalawang oras akong naghintay!nasayang tuloy ang precious time ko! mga 1:30pm na ko natapos dun kaya gutom na gutom na ko. kaya naman kumain ako sa jollibee dahil yun lang naman ang fastfood na meron dun sa 'min. ang dami kong inorder kaya di ko naubos at tinake-home ko na lang kasi sayang! hahaha! pagkain din yun noh!
pagdating ko sa bahay mga 3pm na yun, nanood ako ng vcd, ocean's twelve(naks naman!). kaso lang di ko masyong naiintidihan kasi magulo(sisihin daw ba yung pelikula?hahaha!)! tapos lumabas uli ako kasi isosoli ko na yung vcd sa video city at saka hihiram uli ako ng vcd para may magawa naman sa bahay maliban sa magcomputer! hiniram ko yung "the lake house" and in fairness, maganda siya at nakakatouch. yung storya ganito, yung girl nasa year 2006 and yung boy nasa year 2004, tapos nag-communicate sila through the mailbox dun sa lake house. basta yun na yun. try nyo panoorin!
bukas na lang ulit! hahaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment