Tuesday, May 29, 2007

econ na 'ko! pero super lakad naman.

haay. super pagod ako ngayong araw na 'to. inayos ko kasi yung paglipat ko sa school of economics. oo, BS economics na ako ngayon. so, sinubmit ko yung permit to transfer at property clearance ko. akala ko, dun na magtatapos yun, hindi pa pala. kaya na-exercise na naman yung mga paa 'ko sa pag-ikot-ikot sa UP. pagkabigay nung college admission slip sa 'kin, pinapunta ko nung babae dun sa registrar. natandaan na lumipat na nga pala yung OUR, di ko lang mataandaan kung saan. naalala ko lang na parang malapit sa NISMED. so yun, lakad uli ako. nung makarating na ko sa tapat ng NISMED, di ko alam kung kakanan ako o kakaliwa. kumaliwa ako. lakad ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa casaa. magpapaload sana ko kaso sarado yung nagpapa-load. kaya dumeretso ko dun sa dating office of admission. dun ko nalaman na dapat kumanan pala ako. hehehe. kawawa naman ako! huhuhu. eh di super lakad na naman ako hanggang makarating ako dun. nakuha ko na yung university admission slip so pumunta na ko ulit ng SE. tamang-tama naman pagdating ko dun, lunch break na nila! hahaha. naisip ko kumain muna so pumunta ako ng trinoma at kumain dun andali. tapos bumalik din ako ng UP. sa sobrang pagod ko, nakatulog na 'ko sa jeep. hehehe. nung isasubmit ko naman yung university admission slip, sabe nung babae pumunta muna ako dun sa computer center para papalitan yung college ko sa crs. haay, lakad na naman. pumunta na nga ako dun at nag-papapalit ng college tapos sinubmit ko na yung slip sa SE. sa wakas natapos na din ako! kulang na lang yung id ko na sa enrollment ko na ipagagawa.

speaking of enrollment, mukhang mas mapapasabak ako sa lakaran nun. super haggard na naman. pero kasama ko naman sina rachelle at tricia so kahit haggard, masaya! naks!