kaninang umaga, nag-exam kame sa econ11. medyo na-late pa nga ako ng mga ten minutes eh, pero ok lang kasi di naman sila agad nagstart. ok lang yung exams. medyo easy kasi multiple choice! hahaha. after mga 45 minutes siguro, natapos ko na. and ngayon, pagbukas ko ng email add ko, nakita ko yung email nung teacher namen, ang subject : econ11 exam results! goodness gracious! ang bilis naman niyang na-check! hahaha. sabe niya wala daw bumagsak! ang average grade nga nung section namen is 42.6 eh. tapos may nakakuha pa ng 51 out of 52! sayang, isa na lang sana perfect na niya! ako kaya, anu score ko?
after nung exam sa econ11, pumunta na ko sa math100 ko. tapos tumambay muna ako sa cal library. tapos pumunta na ko sa kas2 ko. ayon, nagreport lang yung mga group tapos onting kwentuhan. sinabe ni sir yung types of tests na kasama sa exam. una, modified true or false. pangalawa, piliin kung alin ang naiba, tapos i-explain mo kung baket siya iba. pangatlo, essay. ang mga questions yung tipong ganito: from the teachings of all asian religions, form a new religion which you think is appropriate for the current state of our society. oh come on! at pang-apat, blank map. asian map. tapos kailangan alam mo din yung mga capitals at kung ano yung mga land and water forms sa asia. asus! nakakaiyak! sobrang pahirap na 'to.
anyway, nag-make-up class kame sa kas2 after nung kas2 namen. ang gulo di ba? anim kame na tinuruan ni sir santillan. asian religions yung topic. nung tapos niya nang i-discuss yun, nagkwentuhan na lang kame. masaya naman. tawa kame ng tawa. meron kameng kasama dun na cute [medyo parang hawig niya si chris]. tawagin na lang natin siyang "kuya." sabe nung classmate ko, yung kutis daw niya ay mala-gatas. naks! maputi kasi siya tapos makinis. MBB [molecular biology & biotechnology. course ng matatalino!] yung course niya at third year na siya. galing siyang PhiSci. ayun, nabanggit ko lang. ahehe.