
hay! kakatamad 'tong araw na 'toh. wala na namang magawa. kaya nga pinalitan ko na etong layout ng blog ko. tinopak kasi yung isa. pinaghirapan ko talaga yan. naloka na nga ako sa mga codes eh kasi di naman ako marunong gumawa ng html eh. sana nagandahan at nasiyan naman kayo! hahaha!
+++++
marami talaga kong na-mimiss ngayon. buong araw ba naman akong nasa loob ng bahay for a few days na! nagkaroon tuloy ako ng nostalgia! anyway, ano o sino ba ang na-mimiss ko ngayon? hhmmpph!
miss ko na:
si chris tiu [last time ko siyang nakita nung game 3! huhuhu!]
ang ratriniareian [lalo na si ninya at dianne na 8 mos. ko nang di nakikita]
ang eLGee [sana maulit yung sa CCP! hahaha!]
ang hood [nasa UP nga sila pero di ko na sila masyado nakakasama. lalo na si zoe!]
ang buhay kisay [ang pinakamasayang parte ng buhay ko! huhuhu!]
ang McDo carpark [ang official kainan ng mga xientians]
ang BK sa SM North [dito kame lage kumakain ng e5 date]
ang SM North [5pm pa pwede pumasok! hahaha!]
ang gazebo [tambayan ng the hood]
+++++
malapit na nga pala ang halloween! awooohhh! trick or treat? sa kabutihang palad eh di pa naman ako nakakakita multo! at kahit kelan di ko pinapangarap na makakita ng isa at baka hindi na 'ko makatulog ng mahimbing. ok lang yung sa mga pelikula kasi di naman totoo yun eh tsaka minsan di masyado nakakatakot. pero minsan talagang natakot ako. manood daw ba ng Ring 0 mag-isa na nakapatay ang ilaw! pero tinapos ko pa rin. tapos nung natapos ko na panoorin di na ko makatulog sa takot! hahaha! sa nov. 1 wag niyo kalimutang puntahan ang mga yumao niyong kamag-anak sa sementeryo. kasi kung hindi, baka kayo ang puntahan sa bahay! hala! awooohhh!
+++++
malapit na rin pala ang christmas! i smell exchange gifts! dun sa mga naka-exchange gift ko last year, exchange gift uli tayo! hahaha! para marami mabubuksan sa pasko. yun nga lang gastos na naman. wala pa naman akong pera. pero minsan lang naman 'to sa isang taon kaya sulitin na natin! mag-iipon na ko ng pera para dun ok! advance merry christmas sa inyong lahat!
No comments:
Post a Comment