Monday, October 23, 2006

uhm... kahapon wala 'kong post. tinatamad kasi ako eh. tsaka di naman kailangan araw-araw mag-post di ba? anyway sembreak ko na. pero dalawang linggo na lang pasukan na naman. hay, nakakatamad na naman. pero inayos ko na yung schedule ko kaya hangang 2:15 pm ang klase ko. hahaha! nakakainis lang kasi di ako na-enlist sa chem 16, eh 5 units pa naman yun. so kapag di ko nakuha yun kailangan ko ng dalawa pang GE so magugulo na naman ang schedule ko. hay, sana sa next round ng crs makuha ko na yun para ok na. ang problema na lang eh kung paano ko sasabihin dun sa college adviser na mag-shishift na 'ko. hahaha!

oo nga pala. nung friday ay animo ateneo night. may nag-imbita sa 'kin pero hindi kasi ako pinayagan. ngayon nagsisisi na 'ko. nandun pala lahat ng Blue Eagles at pwede makipag-interact sa kanila. pwede magpa-autograph, papicture at pwede kausapin yung mga players! sayang talaga. :( nakita ko na sana si chris! huhuhu!

anyways, natapos na ang first sem ko sa UP. marami pa akong di nagagawa. kaya nga ngayong second sem gagawin ko na! eto na:
>kumain ng barbeque sa beach house
>kumain ng isaw
>mag-math 17
>pumunta sa UP fair at manood ng concert
>maglakad sa betaway
>mamasyal sa lagoon
>mag-swimming sa pool sa university. kaso lang baka madumi dun? ah ewan!
>at syempre manood ng oblation run! kasama eLGee hahaha!

yun lang wala na 'kong maisip eh! baka next sem na lang ok! babush!:)

No comments: