Thursday, February 07, 2008

pagpopromote ng sisfire



sa hapong ito iginugol ko ang aking panahon sa pag-aaya sa mga tao na manood at pumunta sa sisfire. nagsimula 'to nung nagbigay ng poster sa genmeet. isa lang yung kopya ko kaya naisip kong idala na lang sa pe class ko at doon ipagkalat yung sisfire. sana nakumbinsi ko sila na pumunta. haha. mukhang natuwa naman sila kasi sabi ko may mini lovapalooza tas may libreng toothpaste pa kasi close-up yung sponsor. kaso wala pa ko tickets kaya hindi ko rin sila nabentahan. ahehe.


pagkatapos ng pe class namin bumalik kami sa tambayan. tumulong muna ako sa prodwork ng seccom [na super ganda! wahaha.] para sa tambay week . pagkatapos naglaro ako sa PS2 at sa kabutihang palad ay nanalo ako. may chance na ko sa starbucks gc! waaah. pagkatapos, naisip nina kenna at kim na magdikit ng poster ng sisfire sa sunken. kaso biglang dumating yung magdedeliver ng shirt na inorder ko thru multiply [sa pepetee] kaya nadelay muna kami. meron pala silang booth sa UP Fair kaya naibigay nila sa 'kin yung shirt sa econ mismo. nung paalis na sila, bigla kong naisip na bigyan sila ng poster ng sisfire para ipost sa booth nila! ahehe. kaya naman in return, ia-aadvertise ko naman ang pepetee sa inyo. bili kayo ng shirts sa kanila! super gaganda! eto multiply site nila - pepetee.multiply.com.


at nagsimula na nga ang adventure namin nina kenna at kim sa pagkabit ng posters sa sunken garden. una naming napagdiskitahan yung mga poste sa tapat ng econ. tas nakasalubong kami ng mamang tindero ng dirty ice cream at syempre nilagyan namin yung cart niya ng poster. pero bumili muna kami ng ice cream. ahehe. pati yung mga estudyanteng pauwi na, hindi nakaligtas sa amin. pati yung mamang tindero ng monay at mamang tindero ng taho nilagyan namin ng poster yung tinda nila. ahehe. pumunta rin kami sa beach house para magpost. papunta dun nakakita ako ng babaeng naka-quesci na uniform kaya binigyan ko din siya ng poster at inutusan ko pa siyang ipost yun sa school. sumagot siya at sinabi na meron na daw ganun dun [naks naman nakarating na pala yung poster ng sisfire dun]. ang sabi ko naman, i-post mo nalang sa blackboard niyo. wahaha. tinawid namin yung sunken at nagpost kami sa grandstand tas bumalik na kami sa econ.


wahaha. super enjoy kahit medyo nakakapagod. kaya naman sa feb. 14, wag niyo kakalimutang pumunta sa SISFIRE 6: A Full Blast Love Affair ok?

No comments: