super saya ng caroling! hindi ko ma-explain! buti na lang talaga sumama ako. haha. sobrang tawanan. bumabahang pagkain. walang kamatayang kantahan. at syempre camwhoring. well, here's the detailed story [meaning super haba na naman nito]:
day 1
dahil nga sabit lang kami, tinuro muna ni kuya gian yung mga kanta sa amin. the songs : come all ye faithful, gloria in excelsis deo, joy to the world, african noel, and we wish you a merry christmas. mga 6:30pm umalis kami ng up. tas dumating kami sa 1st stop [mr. sakai - dasma, makati] ng mga 8:30pm, salamat kay kuya driver. lahat ata ng ma-traffic na daan ay dinaanan namin. pagdating dun kanta agad kami kasi ang tagal na nila naghihintay eh. pagkatapos naming kumanta, nagrequest pa sila ng tagalog song. no choice naman, kaya kumanta na sila ng pasko na sinta ko, na nasama na rin bigla sa song list. nagrequest din sila ng japanese song pero asa naman na may alam kami di ba? haha. kainan na. medyo kakaiba yung mga sinerve na food pero ok naman. pagkatapos kumain, kinanta namin yung last song tas alis na agad papuntang 2nd stop [ate billie cabal - paranaque]. ang routine namin: kanta - kain - kanta. tas punta agad sa 3rd stop [karlo patron - paranaque]. medyo tulog na sila nung dumating kami. same routine. palabas sa bahay ni patron, kinailangan na naming mag-unahan sa van. iisa na lang kasi yung sasakyan at 20+ pa kami kailangang sumakay. haha. nagkasya naman kami pero talagang namanhid yung hita ko sa sobrang sikip. kaya para maibsan naman yung aming pagdurusa, nagkantahan na lang kami sa pamumuno nina kash at jholo! haha. mga 1am na kami nakarating sa 4th & last stop [kuya erik eleazar - cainta rizal] kasi naligaw pa kami. same routine lang din pero mas matagal lang kami dun. kaya nga mga 2:30am na kami nakabalik sa up.
day 2
practice muna bago kami umalis. medyo na-late si kim kaya hinintay muna namin siya tas umalis na kami papunta sa 1st stop [kate cruz - cainta, rizal]. medyo nahuli kami kasi nawala pa kami. haha. same routine again. tas we headed to the 2nd stop [ate peachy's family friend - valle verde]. same routine pero may nadagdag. kailangang mag-solo ng pasko na sinta ko yung may kilala or may-ari nung house. so yun, kumanta si ate peachy ng solo. btw, ang sarap nung spaghetti! sobrang nakakatawa din si jasper and yung mga dance step niya!the shoulders! haha. then punta na sa 3rd stop [ate yla paras - greenhills]. on the way, medyo na-bored kami kaya kantahan na naman courtesy of kim and ogie! pagdating namin kina ate yla, na-elibs kami dun sa blue light effect nung house nila! sakto sa christmas feel. haha. super sarap din nung pasta at brownies nila! medyo madami ako nakain. haha. papaunta sa 4th stop [kuya mico's aunt] lumipat si roda sa amin. medyo tahimik na kami dahil iba na ang mood. nawala pa kami. pagdating dun, same routine uli. sinubukan ni jasper mag-conduct! 1 2 3 Goooo! haha. tas si kuya enteng naman ang nag-solo ng pasko na sinta ko. yung 5th and last stop [kuya mico anabo] eh katabi lang pala kaya nilakad lang namin. kanta - kain - kanta na naman kami. si dave tinatawag namin kaso ayaw bumaba. tas si kuya mico ayaw mag-solo! haha. maaga kami nakauwi this time.
day 3
maaga ako dumating. sabi kasi nila 2pm ang call time eh. sa lounge lang kami nag-stay kasi sarado ang tambayan. tas after almost an hour, dumating si kuya aries at nabuksan na rin ang tambayan. grabe ang onti namin. kaya naman sobrang apektado ang aming pagkanta. haha. dapat 4pm alis na kami pero dahil inindyan kami nung kuya driver naghanap pa kami ng ibang masasakyan. nag-jeep kami papuntang philcoa tas dun kame nakahanap ng van. napakaluwag na namin. papunta sa 1st stop [ate czar carbonel] mabilis lang. same routine. grabe ang sarap nung palabok! nag-solo din nga pala si ate czar. haha. papunta sa next stop [raymond zabala - qc] kasama na si ate czar. sa van, todo asaran na sina kuya aries at kuya dennis. super nakakatawa silang magkulitan tungkol sa chinese! kanta - kain - kanta uli tas syempre nag-solo din si raymond! ang cute nung 2 babies sa bahay nila. haha. bago pumunta sa 3rd stop [kuya noel reyes - qc] sinundo muna namin si jholo sa may mrt station sa quezon ave. kina kuya noel, sa hagdan kame kumanta. ang resulta, sabog! kaya kinantahan na lang namin siya ng happy birthday since malapit na bday niya. palusot! tas habang kumakain kame, may natirang 2 plato ng canapes. nahiya naman kami iwanan kaya inubos na namin. required eh! haha. sa 4th stop [ma'am quimbo - qc] sumama na rin si kuya noel. nauna kami dun kaya nakipagchikahan muna kami sa prof namin. grabe ang ganda ng bahay nila! parang art gallery tas parang may bed pa sa garden. mga sosyal ang bisita. super bait pa nung husband niya. ahihihi. nung dumating yung iba, kanta na agad. ang ganda ng start. tas biglang basag. haha. kain na uli. yummy yung chocolate cake. bago pumunta sa 5th and last stop [ate lucia lopez - cainta, rizal] bumaba na si kim, kasi malapit lang yung bahay niya kina ma'am quimbo. meaning, mag-isang app na lang ako. haha. papunta, sabaw na kami. ang layo kasi eh. parang pupunta ng baguio kasi puro zigzag! haha. medyo gubat-gubat na yung lugar. scary! tas bumabanat pa sila kash, jholo at kuya dennis ng mga panakot! awoooo! nawala na kami. kaya halos 2 oras yung biyahe. dumating kami dun mga 1:45am na. sabaw na ang pagkanta namin. kumain lang andali tas uwi na. bagsak kami lahat. tulog. pagdating sa up nandun na lahat mga sundo nila. ako wala pa! waaah! nakakatakot maghintay mag-isa! salamat talaga kina ate czar, kuya aries, at kuya mykel sa pagsama maghintay sa 'kin! sorry sa abala. haha. can't wait til next year! haha. sasama uli ako!
MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment