Wednesday, November 21, 2007

the rush of sports climbing

kanina, nagkaroon na kame ng pre-test sa sports climbing. streching streching muna kame nung una. tas pinag push-up & sit-up kame. naka-fourteen lang ako dun. haha. tas nag-umpisa na ang pagclimb. isa-isang tatawagin tas kelangan mag-climb hanggang sa kaya mo. kinabahan talaga ako kasi nga hindi naman masyado flexible ang katawan ko. medyo pinapawisan pa yung kamay ko kaya feeling ko dudulas ako at hindi makakakapit. haha. nakakahiya sa mga classmates mo kapag hindi mo man lang naabot yung second wall! haha. so yun, hinihintay ko yung turn ko. medyo matagal. ang gagaling nung mga classmate ko. easy lang sa kanila. parang si spiderman lang. haha. ako yung pangalawa sa huli. so nag-climb na ko at kaya ko naman pala. nakaabot ako sa fourth wall! yey! nung pagbaba ko tsaka ko naramdaman yung sakit s katawan. nanginig yung arms ko! haha. sobrang masaya pala ang sports climbing! ang dame ko na rin naging friends. ang cool pa ni mam tal! haha.

No comments: