haay. kasalanan ko talaga kung baket naging ganito ang sem ko.
sobrang katamaran ang dahilan.
ang dame kong absent. tatlo. tas lage pa akong late.
nakakaasar.
lalo pa kong tinamad nung malapit nang matapos ang sem.
hindi ako masyado nag-aral sa last exam ko sa econ11.
mababa tuloy ang nakuha kong grade.
kung mataas sana nakuha ko dun, siguro 1.25 ang grade ko.
hindi ko na pati kailangan mag-finals para lang itaas ang grade ko.
mas nagsisisi pa ko sa nangyare sa math100 ko.
consistent naman yung scores ko.
ranging from 80-85 lage.
ang problema, yung last exam ko ay mababa.
lahat ng pinaghirapan ko, nawala. argh.
nahila nung huling exam lahat.
ngayon, ang pinakamataas na pwede ko makuha na grade ay 1.75
at para makuha yun eh kailangan ko i-perfect yung final exam.
na napaka-imposible naman.
isa pa yang kas2 na pampababa ng grade.
unang exam pa lang, wala na. haha.
sana naman maawa si sir sa amin.
mahirap naman talaga yung mga tinatanong niya.
history majors lang ang makakasagot nun.
dun sa natitira kong 2 subjects, panpil17 at fil40, sana naman mataas grades ko.
umaasa ako ng 1 hanggang 1.5 na grade. haha.
para naman mahila pataas yung iba.
alam ko hindi lang ako yung nagkakaganito. haha.
good luck sa second sem!
speaking of second sem. walang kwenta talaga yang crs.
sa halos 20 subjects na inenlist ko, isa lang ang nakuha ko!
tama. ISA lang. accounting 1. argh!
sino bang hindi maiinis dun?
10 dun sa mga inenlist ko ay pe pero wala pa rin akong nakuha.
anu ba yan?! pahirapan na naman sa enrollment!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment