dapat talaga hindi na kame manunuod ni tricia ng cheerdance eh. wala na kase kame mabilihan ng tickets eh. pero super thanks talaga kay ANNA G at sa friend niya na may extra tickets kahit general admission lang!
nagkita muna kame sa UP then we headed to araneta. kumaen kame sa kfc. after nun nakipagmeet na kame dun sa bibilhan namen ng tix. at yun na nga, pumasok na kame around 1pm. wala pa masyado tao nun. medyo boring nga nung umpisa eh. syempre nabuhay yung crowd nung pinakita na yung highlights nung cheerdance last year. at syempre, UP ang pinakamalakas mag-cheer!
Unibersidad ng Pilipinas [4x sabay clap ng hands and hiyaw!]
matatapang, matatalino
walang takot, kahit kanino
hinding-hindi magpapahuli
ganyan kameng mga taga-UP
Unibersidad ng Pilipinas [4x sabay clap ng hands]
[drumbeats muna]
Uooooooooh! [hiyawan na!!!]
pangalawa yung UP na nag-present. sobrang taas ng energy ng mga tao. ang lalakas humiyaw at pumalakpak. cheer kame ng cheer ng : UP! UP! UP! to the nth time. haha. paulit-ulit kameng ganun kase ang tagal mag-umpisa ng UP. so nag-umpisa na. astig talaga yung pakulo nila. maganda naman yung puwesto namen sa gen ad kaso di na namin nakita masyado yung sa UP kase taas kame ng taas ng kamay. ok lang kase masaya naman. school spirit! haha. ang gaganda ng stunts at talagang sabay-sabay sila. wala akong masabe! perfect yung routine nila! pagkatapos ko mapanood yung sa UP naramdaman ko na kame na talaga yung mananalo! haha.
sunod yung feu and maganda naman yung sa kanila. akala ko nga sila yung 1st runner runner up eh. syempre inaanticipate ng tao yung presentation ng ust. pero sadly, hindi ganon kalinis yung ginawa nila. may nagkamali, di nakasabay, at nahulog. yung costume pa nila eh di rin ganun kaganda. akala ko nga hindi sila makakasama sa top 3 eh.
sobrang natawa lang ako kase ang lakas mang-asar ng UP. ganito kasi yun. may banner yung ust nakasulat : kami po ang university of santo tomas. sinagot yun ng UP nakasulat : UP KAMI. [if you don't know, there's this notion na dalawa lang ang university sa pilipinas, UP at others. haha.] tapos isa pang banat ng UP eh yung: SO?. haha. ang sama namen. tuwing nagkakamali naman yung salinggawi, naghihiyawan yung mga taga-UP! ang lakas di ba? haha. at dahil dun natahimik yung side ng ust.
nung malapet na i-announce yung mga winners hiyawan kame ng hiyawan dahil talagang feeling namen panalo na UP! lalo na yung lumabas na yung UP pep squad. tapos sinabi na yung 2nd runner up: feu. hiyawan na uli kame. nag-commercial break muna tapos sinabe naman yung 1st runner up: ust. talagang todo hiyawan na yung mga taga-up! haha. sino pa bang magiging champion? syempre yung UP! haha. sobrang saya talaga. at least may pambawi na kame dun sa 0-14 ng fighting maroons sa uaap men's basketball! haha. hindi talaga kame umalis dun agad. feel na feel namin yung pagkapanalo namen! cheer uli kame ng "Unibersidad ng Pilipinas. Unibersidad ng Pilipinas...." nakakatuwa kasi nakisabay na din yung ibang universities sa pagcheer namen! tapos kinanta rin namen pa yung "UP naming mahal." haha.
hanggang sa paglabas ng araneta feel na feel ko yung pagkapanalo ng UP. ang dame ko ngang narinig na nag-uusap at ganito ang sabe nila: "Sabi ko na UP mananalo eh! Ang ganda kasi nung ginawa nila." syempre bilang isang UP student, super proud ako. tumitingin nga yung mga tao sa 'kin kasi naka-up shirt ako eh. haha!
congrats sa UP pep squad at sa buong UP na rin! sa centennial uli dapat manalo tayo sa cheerdance! hehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment