
ang tagal kong nawala! 2 weeks din yun ah!sobrang hectic lang talaga kaya di ako makagawa ng bagong entry. ano nga ba ang nangyari nung nakaraang dalawang linggo?
nov. 27 - dec. 2
monday - nagtest kame sa chem1 at sobrang baba ng nakuha ko. pero pasado naman.
tuesday - napakasaya ng kas1 dahil naglaro kame. nakakatawa talaga yung mga groupmates ko. ang maganda pa dun, nanalo kame. hahaha.
wednesday - tambay sa bahay dahil wala naman ako class eh. tapos, nalaman ko na walang pasok dahil may bagyo at sobra ang saya ko nun!
thursday - nagshopping ako sa gateway kasi sale eh. naka php1000 din ako dun ha. nakabili ako ng 3 tops sa kamiseta, 50% off lahat!
friday - anu ba ginawa ko? di ko na maalala eh. hahaha!
saturday - birthday ni zoe kaya pumunta kame sa house nila. nagkita muna kame nina rachelle at tricia sa UP tapos pumunta na kame sa Mcdo st. james. nagkitakita na ulit ang hood. as usual hindi kame kumpleto. tapos nagjeep kame courtesy of joyce. tapos nilakad na namin patungo sa house nina zoe. habang naglalakad kame ang dameng jeep na pinasasakay kame, sobrang kulit nila pero di namin pinansin kasi sayang ang pera. tapos yun pala libre lang hanggang dun sa kanto. sayang ang pagod namin! nung makarating kame sa bahay ni zoe, wala pa siya kaya nagkuwentuhan muna kame. pagdating ni zoe kasama ang UP friends niya eh kumain na kami. tapos usap usap uli at umuwi na rin kame.
dec. 4 - dec. 9
monday - na-late na naman ako sa chem1 ko kaya pumunta na lang ako sa vinzons para magtanong sa scholarship ko. tapos tumambay ako sa library tapos kumain ako tapos pumunta ako sa geog1 ko. after nun, lumakad na kong papuntang MB. tapos ng class ko eh umiwi na ko.
tuesday - na-late din ako sa kas1. may activity pa naman kame nun. buti na lang may nasulat ako kahit papano. tapos pumunta ko sa major ko pero wala pala class kasi ididiscuss yung tungkol sa tuition fee increase. so yun, nagkita na lang kame nina tricia tapos namasyal kame. pumunta kame sa lagoon, sa melchor hall, at betaway tapos uwian na.
wednesday - foodtrip ang araw na 'to. nilibre kame ni tricia sa chocolate kiss. tapos pumunta kame ng ateneo para huntingin si chris, pero sad to say di namin siya nakita. huhuhu. miss ko na siya sobra. tapos kumain kame sa mcdo na libre ko. yung pix nga pala, kuha yan sa cr ng mcdo katips. nung nagpipicturan kame may biglang pumasok sa cr! hahaha! kaya binaba ni rachelle yung cell niya kasi nakakahiya. kala namin wala nakunan, pero ok naman yng kinalabasan di ba! tapos nun bumalik kame ng UP. pumunta kame sa Balay Kalinaw dahil nandun yung groupmate ni rachelle sa geog1. tapos pumunta kame ng sm north. then we parted ways.
thursday - naka-attend na ko ng chem1 at di ako late! hahaha! tapos nun kumain ako sa casaa at nakasabay ko sina athena at rocky. tapos nun geog1 na. nagpresent kame ng powerpoint. nakakatuwa yung report nung iba. hahaha! tapos pumunta na ko MB para sa Math17 ko. na-postpone yung longtest namin! hahaha! sa dec. 12 na lang daw.
friday - wala ako first and last class. pero meron akong major. kaso lang nalate ako kaya di na 'ko tumuloy. pumunta na lang ako circle c at bumili ng gift. tapos uwi na para makapagpahinga.
saturday - masaya 'tong araw na 'to dahil reunion ng elgee. kahit di kame kumpleto ok lang, masaya pa rin. present si dianne na matagal ko nang hindi nakikita. so, yun nagkita kame sa BK. tapos kumain ng onti. nanlibre si tricia ng sundae, rich kid kasi eh. tapos namasyal kame sa the block. pumunta kame sa toy kongdom at fullybooked. tapos kumain sa KFC. syempre sobrang dame picture-picture. pinagtitinginan na nga kame ng mga people kaka-picture namen eh. tapos naghiwahiwalay na kame. pumunta kame sa bench andali tapos umuwi na rin kame.
*****
hay! kakapagod talaga. buti na lang malapet na ang christmas vacation. pero next week hectic pa rin ang sched ko. wednesday, magki-christmas shopping kame ng nanay ko sa greenhills. tapos oblation run at lantern parade pa sa friday. oh well, sa tingin ko magiging masaya ang unang pasko ko sa UP! hahaha! kaso lang kaunti na yung kaexchange gift ko, di tulad nung highschool!
oo nga pala, nuod kayo ng princess hours! sa dec. 18 na [nag-plug daw ba? hahaha!]. maganda yun. background song ko nga yung theme song nun eh! merry christmas and a happy new year! mwahaha!
No comments:
Post a Comment