it's been a week since i last posted. sabe ko naman sa inyo, pag nagsimula na ang pasukan eh di na 'ko masyado magpopost. today, babawi ako kasi wala naman ako pasok kaya may oras ako para gawin 'to. well, mahabahabang usapan 'to, kasi ikukuwento ko kung ano nangyari sa 'kin nitong past few days.
last thursday simula na ang second sem. maaga 'ko pumasok kasi magkikita kame nin a rachelle at tricia. tapos yun, usap-usap andali tapos nagpart of ways na rin kami. i went to my first class which is chem 1. syempre nagkaroon na naman ako ng new friends. meron din akong classmate sa eng 1 na classmate ko ulit sa subject na 'to. anyway, akala ko wala kaming class kasi di pa dumarating yung prof namen. pero after a few minutes dumating din siya, tapos nagstart na agad siya maglesson. hay. next class ko eh geog 1. nagkaroon din ako ng new friends dun at meron na din akong kakilala. late ding dumating yung prof ko dito. tapos nagcheck lang siya ng attendance tapos umalis na siya. so maaga ako nakalabas. hinintay ko si tricia na nasa kabilang room lang, geog 1 din subject niya. actually, dapat classmate ko siya kaso lang, ewan ko ba sa crs kung anong nangyari at nalipat siya sa isang class. anyway, paglabas ni tricia namasyal kame sa fc. nung pumunta kame dun may mga paintings na nakadisplay so nakaisip nanaman kame ng kalokohan. criniticize namen yung mga paintings kahit wala naman kameng alam dun! hahaha! next class ko na kaya pumunta na ko sa mb dahil math 17 ang next class ko. pagdating ko dun eh nakita yung mga kablockmates ko na classmate ko din sa subject na 'to. naghintay kame for 30 mins. sa wala. hindi dumating yung teacher namen. kaasar. kaya naman umuwi na 'ko.
the next day friday nalate ako ng gising! 7am na! eh 8:30 pasok ko! tapos kailangan maaga ako makaalis kasi sobrang traffic sa may balara! so ano pa nga bang nangyari, nalate ako ng 30 mins. sa kas1 ko! hingal na hingal ako kasi tinakbo ko hanggang 4th floor. tapos pagdating ko paalis na yung mga classmate ko! 'kala ko tapos na yung class, yun pala di dumating yung prof namen! wala akong magawa kaya pumunta na lang ako sa fave kong tambayan, ang main lib. tapos next class ko ang major ko. tapos yun naglesson na kami. tapos break ko na. kasama ko kumain sa casaa sina tricia, rachelle, at isa. after nun, naghiwalay na ulit kame. pumunta na 'ko sa mb. this time dumating na yung prof ko sa math 17. pero mabilis lang siya. kaya maaga na naman ang uwian ko.
saturday, there was nothing interesting so kuwento ko na lang what happened on sunday. well the highlight of that day was the game between ADMU & DLSU in the filoil homegrown cup. i really missed watching games between ateneo & la salle. the intesity was so high. kaso nga lang di naglaro sina jc, doug, & macky. parang they're trying yung team without the seniors who are graduating na para makita nila yung play nila sa season 70 ng UAAP. buti na lang at nandun na si chris. he was in canada nung sembreak nila eh. i really missed watching him play! hahaha!
first day of the week, nalate ako sa first class ko! hahaha! pero dun sa next class ko i was so early! hahaha! napakasaya nung geog1 class ko. wala pang lesson. nagpakilala lang kame sa isa't isa. ganito yun, sasabihin mo yung name, course, yr, at skills mo tapos bubunot ka ng mystery question. tawa ng tawa yung buong class. sobrang saya. feeling ko dito sa class na 'to ko makakatikim ng first ever uno ko eh! sa math 17 ko, naglesson na rin kame sa wakas. unti-unti na kong kinakabahan! feeling ko wala na kong matandaan! isang sem ka ba namang walang math!
tuesday wasn't a bad day. wala ulit yung prof ko sa kas1. because of that i got a chance to talk to carla. schoolmate ko sya nung highschool pero di kame close. ewan ko nga kung alam niya yung name ko pero kilala nya siguro 'ko sa face. so, yun usap-usap. na-amaze lang ako kasi nga di ba nung highschool di kame nagpapansinan tapos ngayon na mas malawak ang paligid dun pa kame nakapag-usap. oh well, wala lang! syempre sabay kame magbreak nugn mga best friends ko. tapos kuwentuhan na naman kami. napag-usapan namen yung manhattan garden city sa cubao. sabe kasi ni rachelle kuha daw kame ng unit dun. tapos napunta sa retreat namen nung highschool. tapos kung saan-saan na kame nakarating. hahaha!
yun na muna for today! anyway, i found this forum in candy mag. meron nagpost ng short story niya. ang title niya ay "my girl and i." maganda yung story so try nyong basahin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment